From Bandwagon Asia Words: Kara Bodegon Photography:Kara Bodegon, Marvin Chua Cover photo: Paolo Ungab
The crows have landed.
It’s been a long time coming, but the skies have finally parted for Typecast to finally unveil their signature line of D&D Custom Guitars. The past six months have been tough on the post-hardcore act and their crows with eruptions, a deadly pandemic, and lockdowns setting the entire world to a halt. But Typecast are optimistic. The release of their new guitars is only the beginning of something even bigger to come.PROMOTED VIDEO
Bandwagon caught up with Steve Badiola, Pakoy Fletchero, and Chi Resurreccion from their homes over cake and Zoom to talk about their guitar origin stories, the specs they look for in an axe, and of course their new line of custom guitars from D&D.
How have you guys been doing so far?
Pakoy: Trying to adapt, I guess.
Chi: Trying to survive, hustling every day.
How often do you guys go out of the house?
Steve:For groceries lang… and parang mas trip ko din lang mag-stay sa bahay. Lumalabas lang [din] naman ako pag may gig eh. Walang gig, so sa bahay lang ako.
Don’t you guys miss going to gigs?
Steve: Oo… eto sila Pakoy…
What do you miss about going to gigs?
Pakoy:Pag gigs kasi kasama na dun yung tambay with yung mga banda na tropa mo. Ayun.
Steve: Connection with sa mga tao. Yun yung isang nami-miss ko. Alam mo yun? Mas malapit. Kasi ngayon, online lahat eh. Weird.
First song you learned to play on the guitar (and if you could sample!)
Pakoy: Ako naalala ko is ‘Two of Us’ by The Beatles.
Steve: (strums guitar)
Chi: D-A-G-A ba yan? D-A-G-A? Ako yan talaga yung una kong natutunan sa gitara eh. Ay… hindi pala! ‘Line to Heaven’ pala! Yun yung pinakamadali sa gitara noon eh.
Pakoy: Kapag natugtog mo na yun, marami ka nang pwede tugtugin.
Steve:Ano yung sinabi mo, Pakoy? Guns N’ Roses?
Pakoy:Pare-pareho ng chords eh.
Steve: Pero essential yun eh. Pag nag-aaral ka mag-gitara dapat makuha mo yung tatlong chords na yun. D-A-G-A.
What’s the first song you wrote or performed together as a band?
Pakoy: Yung kasama nako? ‘Boston’ ba?
Steve: Yun yung pinaka-collaborative kasi nag-nnoodling ako, tapos narinig ako ni Pakoy.
Pakoy: Nag-lalaro kami ni Chi ng… Fight Night sa Playstation. I don’t know kung anong model na yun.
Chi: Playstation 2! Sa bahay namin yun.
Pakoy: Umakyat ako, tapos nag-jam kami. And then nag-start na mabuo yung song.
Steve: Nakakatawa noon kasi pag pasok nyo ng kwarto, sabi nyo “Uy, ano yan?” Tapos ayun, binuo na namin yung ‘The Boston Drama’.
Steve: Nakakatuwa kasi ang catchy din talaga eh.
Pakoy: Yung grooves at tsaka yung melody kasi.
Steve: Wala pa akong nasusulat nun eh, riffs palang siya.
Pakoy: Pero ang magic dun is natapos namin yung song within an hour lang yata? Derederecho lang siya.
Steve: Nauna yung riffs eh, bago yung lyrics nun. Kanta yun ng dati naming drummer. Hindi ako makapagsulat nung panahon na yun.
What Typecast song would you recommend to beginners to play? Other songs?
Pakoy: Pag beginner? Mahirap to ah… I would suggest siguro yung ‘Forget’ kasi basic chords talaga siya.
Steve: Ang masasabi ko sa beginners, mag-practice sila ng mag-practice. Para makatugtog kayo ng maraming kanta, practice nyo chords nyo. Sa umpisa, beginner. Habang tumatagal, magiging curious ka na sa ibang bagay. Sa progression, yung mga ganung bagay. Dadating yun, basta ma-practice mo yung mga chords mo.
Pakoy: Importante mag-stick muna sa basic.
Steve: Yung iba, solo na kaagad eh. Mali yun.
Pakoy: Basic muna, and then ‘pag nakakatugtog ka na ng basic chords…
Steve: Tugtog ka na ng kanta.
Did you guys study guitar or were you self-taught?
Pakoy & Steve: Self-taught.
Pakoy: Never ako nag-aral talaga. I wish nakapag-aral ako! Kasi ang sarap nung marunong ka mag-basa ng notes, I guess? Pero medyo tamad ako eh! (laughs) Ang gift ko lang siguro is yung ear ko. Pag narinig ko, parang alam ko i-play.
Steve: Lalo na siguro kung marunong ka mag-note sighting. Ang bilis lang…
Pakoy: Ayun nga eh, kaya ako tinatamad kasi pag narinig ko, “Ay, gets ko na.” So never ako nakapag-aral, pero sana kung may pagkakataon. Pwede din naman.
Steve: Ang tawag dun ano noh? Ouido?
Pakoy: Oo, ouido!
Steve: Ako naman, lumaki ako yung parents ko marunong tumugtog ng instruments. Pag lumaki ka na yun lagi mo nakikita, mag-sspark ng curiosity kung paano tugtugin. So, aaralin mo mag-isa. Nagpaturo ako ng onti, nag notes ako ng super basic. Yun na yun, tuloy tuloy na.
Pakoy: Nag-start pa din talaga sa influence eh. Kasi yung influence ko yung Kuya ko and barkada nya. Lagi sila tumatambay dito, nagigitara ganun. Macucurious ka talaga.
Steve: “Paano ginagawa yun? Paano gawin yan?” yung mga ganun.
Pakoy: Oo, at tsaka masaya kasi nagkakantahan sila dito. Nakatambay sila dito sa bahay, so siyempre ako, uy, gusto ko din matuto nyan.
Chi: Self-taught ako and wala akong access noon… kasi yung dad ko, deaf-mute siya. So walang any musical instrument sa bahay. However, dahil sa tropa ko, sa mga kaklase ko, mahilig talaga kami sa mga rock music noon.
Ayun, nagkatambay tambay tapos naghihiraman ng gitara.
What were your first instruments? Was it guitar right away?
Pakoy: Acoustic guitar nung nag-start matuto mag-gitara. Pero nung nagka-banda ako dati, bass yung una kong instrument! Tapos napanood ko si Dimebag ng Pantera…
KARA: WOAH… AY WAIT AKALA KO LIVE…. OKAY….
Steve: Akala ni Kara ka-tropa mo si Dimebag, nagulat siya eh! (laughs)
Pakoy: Nag-rent kasi ng VHS yung tropa ko dito, tapos pinanood namin. For Those About To Rock, yung sa Moscow na concert nila. Nung napanood ko si Dime, dun ko narealize na, “Ay, gusto ko pala mag-gitara”, ayoko na pala mag-bass. Iba kasi yung impact ng Pantera. Iba talaga eh.
Nag-start kasi ako mga Metallica, siyempre. Nag-switch nung napanood ko yung Pantera.
Chi: First instrument ko Melodion (melodica). Yung may pinipindot tapos hinihipan. May nakakalat na Melodion samin nun. So pinag-tripan ko siya, tinutogtog ko yung mga intro ng Voltes V. Kung ano man yung mga cartoons noon. Nakapa-kapa ko lang dun.
First instrument. Melodion. So rock. (laughs)
How did you end up playing bass?
Chi: Nung high school kami parang yun lang yung kulang. Lahat gusto gitara, yung iba gusto agad, drums. So parang sige gusto ko kasali din ako, kaso bass nalang yung kulang. Kahit gusto ko mag-gitara nun pero sige okay lang, basta nasa banda ako. So naging bass player nako. May mga time din na nagpapalit-palit kami ng instruments.
Steve: Ako ano, piano. Yung kinalakihan ko yung electric organ na Yamaha sa bahay. Wala na siya ngayon eh, sira-sira na. Yun yung una kong instrument. Tapos, acoustic guitar. And then kung ano pang instrument meron sa bahay.
Nung bata ako meron organ, piano, keyboard, acoustic guitar, harmonica. Kung ano-ano. Minsan kasi kung anu-ano dinadala ng tatay ko sa bahay. Mga weird stuff. Sobrang late na nung electric guitar. Siguro, high school nako. Mga third year.
Nakikita ko lang daddy ko sa mga pictures. Meron siya Iceman (Ibanez), Pakoy. Sinangla ng tatay ko yun tapos pag balik, kahoy nalang wala nang kahit ano. Lungkot ko akala ko may Iceman na sana ako.
What do you look for in an instrument?
Chi: Unang-una yung functionality ng instrument and yung appearance. Siyempre gusto mo pogi ka sa stage, diba? Kung gaano siya ka-comfortable gamitin, laruin. Para maka-explore ka. Para ma-express mo sarili mo.
Functionality, looks, design, aesthetic.
Pakoy: Ako, looks una. Pero siyempre ang pinaka-importante, kasi minsan may mga guitars na maganda lang itsura pero hindi nag-wwork sayo. Like, pag ginamit mo na parang hindi pala ito yung hinahanap ko. Personally, dapat talaga ma-try mo, mahawakan mo.Tulad ng sabi ni Chi, yung feel. Kung comfortable ba siya. Yung tunog. Yung function nga.
How do you know if it’s The One?
Steve: May feeling eh. Mararamdaman mo yan eh.
Chi: May attachment yan. Maaattach ka sa gitara. “Uy, compatible kami.”
Pakoy: When you play siguro, maiinspire ka talaga. Parang, ganado ka na gumawa ng riffs…
Steve: Hmmm, ano ba hinahanap ko? Same lang nung sinabi nila, itsura, functionality, yung maiinspire ka gamitin parati. And yung ano, yung may room to improve yung gitara. Pwede mo i-edit. Yung hindi mahirap palitan ng piyesa or kung ano man.
Chi: Kung baga, madaling i-upgrade.
Steve: Kaya nag-lean towards Fender ako noon kasi lahat pwede mo palitan kaagad.
Have you ever had an experience where you found a guitar, like, “Uy, pogi!”, but it doesn’t sound nice pala?
Pakoy: Oo!
Steve: Madaming beses na. (laughs) Nagkakamali tayo kasi sabihin natin yung panahon na yun, makakita ka magandang gitara tapos mahilig ka sa metal, tapos naka-gamit ka ng Fender strat, yung standard. Parang hindi mo gusto eh. Depende kasi yun sa tinutugtog mo nung panahon na yun.
Pakoy: Ako nung early days, mahilig talaga ako sa metal guitars. First guitar ko na electric yung Jackson Dinky. Pero nung tumagal na, nag-lean nako towards the classic shapes. Like, telecaster, SG, Les Paul.
Steve: Pero sa mga classic, SG yung pinaka pwede lumaban a maiingay na tugtugan.
Pakoy: Oo, malawak yung range nya na pwede mo tugtugin sa SG. Parang Strat din, pero yung Strat kasi…
Steve: Nasa cleaner side and crunch side kasi yun eh… unless papalitan mo ng parts diba?
Pakoy: Lagi ako nagkakamali dati nun eh sa pagbili ng guitar. Nauuna kasi yung “ang ganda nito!” pero pag gamit mo pala, “Nope!”
Chi: Ako may binili pako nun eh! Yung Thunderbird na bass. Na-testing ko siya, yung sa Infatuation (The Infatuation Is Always There), yung Thunderbird ni Myrene (Academia). Ayun yung ginamit ko sa recording. Maganda siya sa tunog, so okay, okay. Tapos nung bumili ako ng ganun, nung ginagamit na nung nakatayo, ang hirap gamitin. Tiis-ganda talaga siya. Tapos ang hirap pa nya timplahin. So pinagsisihan ko yun. Binenta ko.
Steve: Parang pasok siya pang recording.
Chi: Sa recording okay lang kasi nakaupo ka lang pero pag nagpperform ka na, nakatayo ka na. Ang sakit sa likod, sa balikat. Ang hirap nya timplahin, tapos ang hirap lumabas ng tone nya.
Have you ever chosen guitars based on what your favorite musicians were playing?
All: Yes. For sure.
Steve: Nung emo, SG. Kasi yun yung ginagamit ng lahat ng banda. Una ko electric, SG na Gibson. Toe! Tele yun.
Pakoy: Napanood ko yung video ng Poison The Well na ‘Botchla’, naka-Telecaster. Sabi ko, “Uy, pwede pala yun!”
Pero mostly diba pag hardcore at tsaka punk noon, yung dalawang gitarista makikita mo naka SG or naka-Les Paul or Tele or Jaguar. Lagi nag-ccomplement yung dalawa. Magkaiba lagi model. Bihira yung bands na pareho yung gitarang ginagamit.
Steve: Ang hindi mawawala sakin yung mga (Kurt) Cobain na style. Yung mga ginamit nya. So yun yung gusto ko magkaroon ako talaga. Mustang. Mosrite.
Pakoy: Pareho nung kay Johnny Ramone. Dati wala pako sa Typecast, napanood ko kayo, naka-flying V ka yata eh.
Steve: Okay lang ako sa Flying V!
Chi: Ang ganda kaya ng Flying V!
How did you guys start working with D&D Guitars?
Pakoy: Nagstart nung nag Campfire Sessions kami.
Chi: 2016, yung unang Campfire namin. Nammroblema kami nun kasi wala kaming mga acoustic guitar. Tapos one week nalang event na. So ginawa ko, nag-approach muna ako sa dati namin manager, si Kerwin (Rosete). Sabi ko, “Uy, Kerwin, meron ba tayo pwedeng hiraman ng gitara? Baka pwede kay JB?” Sabi nya, “Nako, masyado na late.” So na-ano ako, hala, one week nalang. So tinext ko si Raymund (Marasigan). Sabi ko, “Rayms, kilala mo ba si D&D?” Kinapalan ko na mukha ko eh. “Ah, sila Daren! Sige, give me a few minutes.” Tapos nag-text si Rayms, Chi, tawagan mo si Daren.
Chi: Pag tawag ko, sabi nya, “O, kailan kayo pwede? Punta kayo dito.” After that, dun na nagsimula yung relationship with D&D guitars.
Pakoy: Nung time na yun meron na akong custom (guitar) kay John (Dela Cruz). So meron na talaga [kaming] relationship sa gumawa ng prototype namin.
How did you get into developing your own line?
Steve: Yung D&D custom guitars yun talaga yung thing nila diba? Yung thin acoustic guitars nag-start. Tapos yung mga nauna nila, Wolfgang, Parokya Ni Edgar, Barbie Almalbis. Tapos second wave, Up Dharma Down, Sandwich. Third wave na tayo?
Pero habang tumatagal, mas gusto nila yung mas match sa specs mo. Nag-start sila with Los (Carlos Tanada) and Sandwich, na down to the last detail, according to the artist. So nung nagkaroon ng chance, sobrang natutuwa kami.
Pakoy: Hindi din natin inexpect talaga eh. Kasi parang that time, binigyan lang kami nila Daren ng electric guitars. That time ang kinuha ko yung signature ni Mong (Alcaraz), yung T-Rex. So hindi namin inexpect na gagawan kami ng sarili namin. Nung nag-offer si Daren, siyempre tuwang tuwa kami. Ako pa naman may mga idea na ako kaagad. Kasi gusto ko talaga mag-build ng sarili kong guitar.
Steve: Pangarap ng mga gitarista yan. Kahit nung bata pa tayo may shape na tayo in mind eh. Minsan sobrang weird, minsan nakakatawa. So dream come true talaga yan para sa mga gitrarista.
Pakoy: Sobrang pasalamat kami sa D&D. Sobrang dali din nila kausap. Straightforward lang.
CORVUS
Steve: Ito yung sa akin, Corvus na D&D. Yung shape niya, nag-start parang homage ko kay Kurt Cobain. Kasi sobrang idol ko siya. Yung shape pinaghalo sa Mustang—yung ilalim mas Mustang, yung ibabaw nasa mas Jazzmaster. Fender style pa rin. Wala siyang inlays katulad kay Pakoy at Chi para litaw yung logo ng banda. Pogi.
Yung body niya is mahogany na matte black, yung neck niya maple tapos rosewood yung fingerboard. 21 frets. Yung pinagkakaiba niya sa usual na gitara is kay Pakoy, yung scale length is 25.5. Yung sa akin 27, so mas mahaba. Pasok na siya sa category ng baritone guitar. Pwede mo siyang i-tune to as low as A standard. Tapos yung bridge niya yung standard na humbucker tapos yung bridge niya P90 na D&D standard. Pinagsama ko siya para maganda yung neck niya. May tunog pa siyang classical guitar.
RESURRECTOR
Chi: Here it is—yung Resurrector. Nakuha ko yung body shape niya sa Rickenbacker 7001 bass. Una ko siyang nakita kay Cliff Burton ng Metallica at kay Lemmy Kilmister ng Motörhead. Yung body niya—ito yung production line ng Resurrector—body niya is basswood, it’s a passive bass—‘di siya kailangan ng baterya, and standard D&D humbucker pickups.
Yung Rickenbacker, masyado siya maraming hardware at unnecessary na parts. Tinanggal namin yun at ginawang simplified—volume at tone lang. And then sa headstock niya, nakuha namin ‘to sa shape ng Rickenbacker guitar. Maple neck fretboard. That’s it. Sobrang simple lang.
RAVEN
Pakoy: Nag-base ako sa Jagmaster na body—offset siya. Yung idea ko sa custom,make it simple, I guess. Yung itsura niya, simple lang talaga. Humbucker lang siya, tapos yung inlay niya ung crow lang. Meron siyang neck pickup na nakatago. Nag-start sa joke. Parang biniro ko lang na nakatago yung pickup sa ilalim, kasi nga gusto ko yung itsura. Simple lang. Minimal lang. Sa specs naman, yung wood niya is alder then maple yung neck. Lahat ng mga parts, galing kela Daren.
Typecast’s signature D&D guitars are available starting today (06/25) for PHP 10,500 (Corvus), PHP 11,700 (Raven), and PHP 12,000 (Ressurrector). All guitars come with a free red tortoise pickguard. Students and frontliners are entitled to a 10% discount at the D&D store.
Interview by Kara Bodegon and Camille Castillo